Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi kakapusin sa bigas ang bansa.
Sa panayam matapos ang pakikipagpulong sa Dep’t of Agriculture, Bureau of Plant Industry, at National Food Authority, inihayag ng Pangulo na bumabalik na sa pre-pandemic level ang sektor ng agrikultura.
Sinabi pa ng chief executive na bumaba na ang inaangkat na bigas ng bansa, ngunit kanila pa ring pagpa-planuhan kung kailangan pang mag-import.
Samantala, iginiit din ni Marcos na tumatayong Agriculture Sec. na dapat mapahaba sa hanggang siyam na araw ang buffer stock na bigas ng NFA.
Tiniyak din ng Pangulo na tinitingnan ng gobyerno ang lahat ng paraan upang makontrol ang presyo ng bigas.
Matatandaang ibinebenta na sa Kadiwa Stalls ang ₱25 na kada kilo ng bigas, na malapit na sa ipinangako ng Pangulo na ₱20 na bigas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News