Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suporta ng gobyerno sa mga investor sa sektor ng eherniya sa bansa.
Sa inagurasyon ng San Miguel Corp. Battery Energy Storage System (BESS) sa Limay, Bataan, inihayag ng Pangulo na pagagandahin pa ang mga polisiya at regulatory framework para sa Renewable Energy Industry.
Sinabi pa ng Chief Executive na ang mga kasalukuyang batas ay dapat makasabay sa teknolohiya.
Kaugnay dito, kanila umanong pabibilisin ang regulatory framework sa national at local levels upang matiyak ang ease of doing business, at maalis ang regulatory burdens para sa mas episeyenteng sistema.
Samantala, patuloy ding makikipagtulungan ang administrasyon sa san miguel corp. sa larangan ng enerhiya.
Ang BESS ay gumagamit ng lithium-ion battery technologies na may kakayanang mag-imbak ng kuryente mula sa renewable at non-renewable sources.