Nangako si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagsasaayos sa Marawi City.
Ito ay kasabay ng ika-6 na anibersaryo ng Marawi Siege.
Sa Facebook post, ipinagmalaki ng Pangulo ang inilaang P1-B para sa mga biktima ng digmaan na nawalan ng tirahan at ari-arian.
Tiniyak ni Marcos na hindi kinakalimutan ng gobyerno ang kapakanan ng mga taga-Marawi.
Mababatid na tumagal ng limang buwan ang bakbakan sa Marawi matapos itong kubkubin ng Islamic Terrorists noong May 23, 2017.
Binigyan diin naman ng Pangulo na kapit-bisig silang magsusumikap para sa pag-usbong ng isang mas matatag na Marawi City. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News