dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang pakikipagtulungan sa media sa pagtataguyod ng press freedom!

Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makikipagtulungan ito sa media sa pagtataguyod ng press freedom o malayang pamamahayag, at po-protektahan nito ang kanilang mga karapatan.

Sa kanyang talumpati sa ika-50 Anibersaryo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), kinilala ng Pangulo ang napakahalagang papel ng media sa pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko na nagiging daan sa pagbabago.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na nananatiling committed ang pamahalaan sa transparency at good governance, freedom of expression, at freedom of the press.

Kaakibat din ng 30th Anniversary ng World Press Freedom Day ay siniguro ng Pangulo na magdodoble-kayod ito upang maitaas ang pwesto ng Pilipinas sa Global Press Freedom rankings.

Hinikayat naman ng Chief Executive ang mga mamamahayag na mangasiwa ng public discussions, at itaguyod ang katotohanan, kredibilidad, at rule of law sa kanilang pagbabalita. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author