Tinanggap ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong ambassadors sa Pilipinas ng mga bansang Timor Leste at Vietnam.
Sa courtesy call sa Malacañang, nag-presenta ng kanyang letter of credence ni Vietnamese Ambassador Lai Thai Binh.
Sinabi naman ni Marcos na bukas ang bansa na makipagtulungan sa Vietnam sa marami pang larangan.
Samantala, tinanggap din ni Marcos ang letter of credence ni Timor-Leste Ambassador Marciano Octavio Garcia Da Silva.
Pinuri ng pangulo ang patuloy na paglawak ng relasyon ng Pilipinas at Timor Leste sa mga nagdaang taon.
Matatandaang noong Nobyembre 2023 ay bumisita sa bansa si Timor Leste President José Ramos-Horta, at nakipagpulong ito kay Pangulong Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News