dzme1530.ph

PBBM, Tinalakay sa Vietnamese PM ang mga namataang Vietnamese vessels sa EEZ ng Pilipinas

Tinalakay ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bilateral meeting kay Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh ang mga namataang Vietnamese vessels sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, sinabi niya sa Vietnamese leader na kailangan nilang magkaroon ng kasunduan sa isyu upang hindi ito lumikha ng problema.

Kaugnay dito, humiling na ang Pangulo sa foreign ministers’ ng magkabilang-bansa na simulan ang pag-uusap bago pa magkaroon ng insidente.

Matatandaang noong Marso ay namataan ng Philippine Coast Guard ang Chinese at Vietnamese vessels sa Sabina at Ayungin Shoal, at Pag-asa Island sa Palawan.

Una nang iginiit ng Pangulo sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia na ang sigalot sa South China Sea ay hindi dapat pag-ugatan ng armed conflict, at patuloy umanong igigiit ng Pilipinas ang mga karapatan nito alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author