dzme1530.ph

PBBM, suportado ang debate sa pag-amyenda sa economic provisions sa Saligang Batas

Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat payagan ang maka-demokratikong debate ng kongreso sa pag-amyenda sa economic provisions sa Konstitusyon.

Sa kanyang Constitution Day Celebration Speech, inihayag ng Pangulo na marami nang mga sektor lalo na sa pagne-negosyo ang pumuna sa ilang economic provisions na umanoy bumabalakid sa patuloy na pagsulong.

Kaakibat umano nito ang mga batas na nagbabawal sa ilang uri ng foreign investments na nagli-limita sa economic potential at global competitiveness ng bansa.

Kaugnay dito, tiniyak ni marcos na hindi niya hahadlangan ang dayalogo at ang prerogative ng kongreso.

Muli namang siniguro ng pangulo na ang pag-reporma sa ekonomiya sa ilalim ng saligang batas ang tanging sinusuportahan ng administrasyon.

Patuloy ding magdodoble-kayod ang gobyerno sa paghikayat ng foreign investments tungo sa ambisyong makamit ang upper middle-class status sa 2025. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author