dzme1530.ph

PBBM, proud pa rin sa Gilas Pilipinas sa kabila ng pagkabigo kagabi sa opening ng FIBA World Cup!

Proud pa rin si Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Gilas Pilipinas Men’s National Basketball Team sa kabila ng pagkabigo kontra Dominican Republic sa kanilang opening game sa FIBA World Cup 2023.

Ayon sa Pangulo, pinatunayan pa rin ng Gilas na world class ang Filipino athleticism.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na nasa likod ng Gilas ang buong bansa sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa FIBA World Cup.

Matatandaang nanuod mismo ang Pangulo sa laban kagabi sa Philippine Arena, kung saan kinapos ang Pilipinas sa score na 87-81.

Samantala, binati rin ng Pangulo ang lahat ng naging bahagi ng bagong FIBA crowd record, matapos umabot sa 38,115 ang mga nanuod ng laro kagabi. –sa  panulat ni Harley Valbuena

About The Author