Pinuri ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang presensya ng Canada sa South China Sea sa harap ng umiinit na tensyon sa rehiyon.
Ito ang ipinabatid ng Pangulo sa Courtesy call sa Malacañang ni Canadian Foreign Affairs Minister Mélanie Joly.
Binanggit ng Pangulo ang naging paglalayag ng HMCS Calgary Canadian Warship malapit sa Spratly Islands noong March 2021.
Samantala, nagpaabot naman ng suporta ang Canada sa maritime sovereignty ng Pilipinas.
Mababatid na ang Spratly Islands ay binubuo ng mga teritoryong pinag-aagawan ng Pilipinas, China, Taiwan, Malaysia, at Vietnam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News