Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines dahil sa pag-protekta sa West Philippine Sea frontline.
Sa Talk to Troops sa Western Command Lawak Gymnasium sa Palawan, kinilala ng Pangulo ang napakahirap at napakahalagang tungkulin ng Western Command, at naging epektibo umano ang kanilang trabaho.
Iginiit din ni Marcos na mahalaga ang presensya ng WESTCOM upang panatilihin ang kapayapaan, at ang pagtatanggol sa sovereign territory ng Pilipinas.
Sinabi pa ng Commander-in-Chief na kahit maliit ang pwersa ng Pilipinas sa WPS kumpara sa ibang claimants, maganda pa rin ang nagiging resulta ng kanilang tungkulin.
Matatandaang tiniyak ng Pangulo na tutugon ang Pilipinas sa pinalawak na 10-dash line ng China sa bagong edisyon ng kanilang mapa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News