dzme1530.ph

PBBM, pinayuhan ang publiko na maging masigasig sa pagbabasa ng Kasaysayan

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging masigasig sa pagbabasa ng kasaysayan.

Sa pagsagot sa isang liham sa kanyang vlog, inihayag ng pangulo na mas mainam na basahin ang lahat sa kasaysayan at huwag ang isang bagay lamang tungkol dito.

Ibinahagi rin ni Marcos ang turo ng kanyang Lola, kung saan sa kanya na umano nakasalalay ang pagkilatis kung ano ang maganda at kung ano ang hindi tama sa kanyang mababasa.

Iginiit pa ng Pangulo na napakahalaga ng history dahil marami tayong natutunan dito, kabilang sa kasaysayang nangyari matagal na panahon na ang nakakalipas at ang kasaysayang ginagawa pa lamang sa kasalukuyan.

Mababatid na si Pangulong Marcos ay inaakusahan ng umano’y historical revisionism, at mas uminit pa ito sa hindi niya pagde-deklarang holiday sa EDSA People Power Anniversary kahapon, Pebrero 25.

About The Author