dzme1530.ph

PBBM, pinasinayaan ang Expanded Petrochemical Manufacturing Plant sa Batangas City

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Expanded Petrochemical Manufacturing Facility ng JG Summit Holdings Inc. sa Batangas City.

Sa seremonya ngayong Biyernes ng umaga, ininspeksyon ng Pangulo ang 160-hectare facility kasama sina JG Summit Holdings Inc. Chairman James Go, JGHSI president at Chief Executive Officer Lance Gokongwei, at iba pang executives.

Ang nasabing planta ay itong pinaka-malaking petrochemical plant sa bansa, na may kakayanang mag-manufacture kada taon ng 1 million metric tons ng petrochemical products, na ginagamit sa plastic packaging, damit, at paggawa ng pintura at furniture, at ine-export ito sa nasa 30 bansa.

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina Special Assistant to the President for Investments Frederick Go, Trade Sec. Alfredo Pascual, at iba pang opisyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author