dzme1530.ph

PBBM, pinasinayaan ang Caloocan – España section ng NLEX-SLEX Connector

Pinasinayaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Caloocan – España section ng NLEX-SLEX Connector.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na ang NLEX – SLEX Connector ay magsisilbing panibagong alternatibong ruta na makapagpapabilis sa pagbiyahe ng mga motorista.

Sinabi pa ng Pangulo na malaking tulong ito sa logistics sector dahil magbibigay-daan ito sa mas mabilis na paghahatid ng cargo at goods.

Ang NLEX-SLEX Connector ay magkakaroon ng habang 5.15 kilometers na magmumula sa Caloocan Interchange Connector Road sa Caloocan City, hanggang sa España Interchange Connector Road sa Maynila.

Sa oras na makumpleto ang dalawang section ng proyekto, inaasahang mapa-iikli nito ang biyahe mula SLEX-Alabang hanggang NLEX-Balintawak sa 15 hanggang 20 minuto, mula sa kasalukuyang isa’t kalahati hanggang dalawang oras.

About The Author