dzme1530.ph

PBBM, pinapanagot ang NGCP sa power outage sa Panay Island

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang National Grid Corp. of the Philippines ang may pananagutan sa nangyaring power outage sa Panay Island.

Ayon sa Pangulo, ang island-wide blackout ay nagdala ng matinding pagdurusa sa mga residente, nag-paralisa at nagdulot ng malaking pagkalugi sa mga negosyo at kabuhayan, at nagdala ng panganib sa mga nangangailangan ng serbisyong medikal.

Sinabi ni Marcos na nagkaroon ng dalawang oras na palugit ang NGCP para magpatupad ng manual load dropping, upang maiwasan sana ang pagbagsak ng kuryente.

Gayunman, nabigo umano itong tumugon at hindi ito tumupad sa tungkuling panatilihin ang grid stability at agarang umaksyon sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kaugnay dito, inatasan na ng Pangulo ang Energy Regulatory Commission na tapusin ang pag-reset sa rates ng NGCP upang masigurong tutupad ito sa obligasyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author