Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Rice Industry Convergence Meeting sa National Irrigation Administration Office sa Quezon city.
Bandang alas-9 ng umaga nang magsimula ang pagpupulong kaugnay ng estado ng industriya ng bigas.
Bukod sa Pangulo, present din sina Agriculture Usec. Leocadio Sebastian, Agrarian Reform sec. Conrado Estrella III, NIA administrator Eduardo Guillen, DPWH sec. Manny Bonoan, at iba pang opisyal.
Bukod sa meeting, nagkaroon din ng exhibit ng biofertilizers na isinusulong ng D.A. para maitaguyod ang balanced fertilization na magpapalakas ng produksyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News