dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang pagbubukas ng International Conference of Information Commissioners sa PICC

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas ng International Conference of Information Commissioners (ICIC) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati, ipinabatid ng Pangulo ang pagkagalak sa pagkakapili sa Pilipinas bilang host ng 14 na edisyon ng ICIC ngayong taon.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo na ang Pilipinas ang kauna-unahang Southeast Asian Nation na naging miyembro ng ICIC, at founding member ng Asia’s Network of Access to Information Bodies.

Ang ICIC ay isang Global Network na nagko-konekta sa Information Commissioners, Ombudspersons, at iba pang nagbabantay sa implementasyon ng mga batas kaugnay ng Access to Public Information.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati ang Pangulo sa Foreign Advocates ng Freedom of Information na bumibisita sa Pilipinas para sa ICIC.

Bukod sa Pangulo, present din sa event sina Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, ICIC Chair Bianca Lilia Ibarra, at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author