dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang groundbreaking ng P200-B terra solar project sa Nueva Ecija

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking P200-billion Terra Solar project sa Nueva Ecija.

Sa seremonya sa Bayan ng Peñaranda ngayong Huwebes ng Umaga, inihayag ng Pangulo na tutugunan ng solar power plant ang dalawang kritikal na hamon, ang tumataas na demand sa kuryente at pag-shift sa renewable at sustainable energy.

Sa oras umano na maging fully operational sa 2027, inaasahang makalilikha ito ng 3,500 megawatts ng solar power para sa Luzon Grid, kaakibat ng 4,500 megawatt-hour ng battery energy storage.

Nakikita ring makapagsusuplay ito ng kuryente sa mahigit dalawang milyong households.

Makakabawas din ito ng mahigit 4.3 million metric tons ng carbon emissions kada taon, o katumbas ng carbon emission ng tatlong milyong sasakyang gumagamit ng gasolina.

Bukod sa stable na suplay ay mapababa rin umano nito ang presyo ng kuryente, at makatutulong sa pagkakamit ng 35% renewable energy mix pagsapit ng 2030, tungo sa mithiing ibsan ang epekto ng climate change.

Samantala, ang proyekto ay inaasahang lilikha rin ng nasa 10,000 trabaho. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author