Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial opening ng “Malacañang Heritage Tours”, tampok ang dalawang museo sa loob ng Malacañang Complex.
Kasama sina First Lady Liza Araneta-Marcos at presidential son na si Simon Marcos, ipinakilala ang bahay ugnayan tampok ang mga pinagdaanan ni Marcos kabilang ang kanyang kampanya, bago maka-akyat ng Malacañang.
Ipinakita rin ang Teus Mansion tampok naman ang buhay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas.
Samantala, sinabi rin ng chief executive na nasa proseso pa sila ng pagbuhay sa Goldenberg Mansion.
Hinikayat ng Pangulo ang publiko na bisitahin ang mga museo lalo na ang mga estudyante.
Itinakda bukas June 1, ang soft opening ng Malacañang Heritage Tours tampok ang Bahay Ugnayan at Teus Mansion.
Mabibisita ito ng libre, Martes hanggang Linggo, simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News