dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang ceremonial harvesting ng palay sa Pampanga

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial harvesting ng palay at distribusyon ng iba’t ibang tulong sa libu-libong magsasaka at kooperatiba sa Candaba, Pampanga.

Sa seremonya sa Mandili National High School, ipinamahagi ni Marcos ang hauling truck, saku-sakong certified inbred rice seeds, financial assistance, fertilizer discount vouchers, at mechanical dryer.

Kabilang rin ang mga tulong sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives For Recovery And Expansion Repopulation and Clustering Program, at Agribusiness Marketing Assistance Intervention.

Kasama ng Pangulo sina Agriculture sec. Franscisco Tiu Laurel Jr., Candaba Mayor Rene Maglanque, at iba pang opisyal.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Marcos ang buong suporta sa mga magsasaka para sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura, para siguruhing walang magugutom sa ilalim ng Bagong Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author