Pinag-iisipan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibalik ang “Concert in the Park” ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr..
Ito ay kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang “Konsyerto sa Palasyo” noong weekend, na ini-alay para sa mga sundalo.
Ayon sa Pangulo, ang Palasyo ay dapat na binubuksan sa publiko dahil ang taumbayan ang totoong nagmamay-ari rito.
Kaugnay Dito, Sinabi ni Marcos na kapag marami Ang nakitang interesadong manuod ng mga pagtatanghal sa Palasyo ay maaaring ibalik ito sa Luneta Park sa Maynila.
Kasabay nito’y iginiit ng Chief executive na ang Konsyerto ay inilaan upang maipakilala ang magagaling na Pinoy artist, at para tiyaking hindi mapag-iiwanan ang creative industry. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News