dzme1530.ph

PBBM, pangungunahan ang National Remembrance Ceremony para sa SAF 44

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang komemorasyon sa sakripisyo ng SAF 44, kasabay ng ika-9 na anibersaryo ng madugong Mamasapano clash ngayong Jan. 25.

Alas otso ng umaga inaasahang darating ang Pangulo dito sa PNPA Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang Cavite, para sa National Remembrance Ceremony.

Bukod kay Marcos, inaasahang dadalo rin sina Executive sec. Lucas Bersamin, DILG sec. Benhur Abalos, Defense sec. Gibo Teodoro, PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., at iba pang opisyal.

Mababatid na noong Jan. 25, 2015, napaslang sa engkwentro sa Mamasapano Maguindanao ang 44 na SAF troopers, sa tinaguriang “Oplan Exodus” o ang operasyon laban sa teroristang si Marwan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author