dzme1530.ph

PBBM, pabalik na ng Pilipinas matapos ang halos 1-linggong working visit sa America!

Pabalik na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang halos isang linggong working visit sa America.

Pasado alas-5 ng hapon araw ng linggo sa oras ng Hawaii nang mag-takeoff ang Philippine Airlines Flight PR-0-0-1 mula sa Hickam Air Force Base.

Inaasahang darating ang Pangulo sa Villamor Air Base sa Pasay City mamayang bago mag-alas 8 ng gabi.

Pagkalapag ng eroplano ay magkakaroon ng Arrival statement ang Pangulo, at inaasahang kanyang iu-ulat ang mga ibinunga ng biyahe sa America kabilang ang pagdalo sa APEC Leaders’ Summit sa San Francisco, at ang working visits sa Los Angeles at Honolulu.

Una nang sinabi ng Malakanyang na nakalikom ang pangulo ng mahigit $672 million na investment pledges sa telecommunications, artificial intelligence, pharmaceutical and healthcare, renewable energy, at semiconductor and electronics industry. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author