Aminado si Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na hindi pa sapat ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan sa pagkamit sa food security sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, marami pang isasakatuparang plano ang gobyerno para sa food security, pagpapalakas sa value chain at pagpapaigting sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa sektor ng agrikultura.
Ani Pangulo, pangunahing tinututukan ng kaniyang administrasyon ang pagpapababa sa presyo ng pangunahing bilihin tulad ng bigas, sibuyas, at asukal para mapigil ang pagbilis ng inflation.
Pagdating sa sektor ng pangingisda, sinabi ni Pang. Marcos na may nakahanda na itong plano upang mapalago ang produksyon ng isda at mapigil ang pagtaas ng presyo nito.