dzme1530.ph

PBBM, nilinaw na walang alitan kay VP Sara Duterte; UniTeam, buo pa rin

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala silang alitan ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng mga patutsada at alegasyong ibinato sa Pangulo nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City Mayor Baste Duterte.

Sa media interview sa Vietnam, inihayag ni Marcos na walang nagbabago sa relasyon nila ng pangalawang pangulo.

Kaugnay dito, kinumpirma ni Marcos na mananatili pa rin si Duterte bilang DepEd Sec..

Kasabay nito’y iginiit ng Pangulo na nananatiling buo at masigla ang UniTeam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author