Nilagdaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Service Contract 38 para sa renewal agreement ng Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project.
Sa signing ceremony sa Malacañang ngayong araw ng Lunes, inihayag ng Pangulo na ang Malampaya Project ay makababawas sa pagiging dependent ng bansa sa imported na langis.
Makatutulong din ito sa pagtitiyak ng stable na suplay ng malinis na enerhiya mula sa indigenous source.
Naniniwala rin ang chief executive na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor, makakamit ang adhikain sa sapat at abot-kayang enerhiya para sa ikagi-ginhawa ng mga ordinaryong Pilipino.
Sa ilalim ng Service Contract 38, gagamitin ang nalalabing reserves sa Malampaya Gas Field, at ide-develop din ang anumang natatago pa nitong potensyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News