Nilagdaan na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act no. 11939 na mag-aamyenda sa fixed-terms ng military officers.
Ito ang mag-aamyenda sa ilang nilalaman ng Republic Act no. 11709
Sa ilalim ng bagong batas, mananatili sa tatlong taon ang maximum tour of duty ng AFP Chief of Staff maliban lamang kung ite-terminate ito ng mas maaga ng Pangulo.
Mula naman sa tatlong taon ay paiikliin sa dalawang taon ang termino ng Commanding General ng Philippine Army, Commanding General ng Philippine Air Force, at Flag Officer in Command ng Philippine Navy, habang dalawang taon din ang fixed-term ng Superintendent ng Philippine Military Academy.
Itinakda rin sa edad na 57 ang compulsory retirement age ng military officers at personnel, maliban lamang sa AFP Chief of Staff at ang apat na nabanggit na key military officers na magre-retiro sa oras na ma-kumpleto ang kanilang termino o kung ire-relieve sila ng Pangulo.
Samantala, itinakda sa tatlong taon ang tenure-in-grade ng General/Admiral, Lt. General/Vice Admiral, at Major General/Rear Admiral, habang itinaas sa limang taon mula sa tatlong taon ang tenure-in-grade ng Brig. General/Commodore, at 10 taon mula sa 8 taon sa Colonel/Captain. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News