dzme1530.ph

PBBM, nasa Bulacan para sa ika-125 Anibersaryo ng 1st PH Republic

Dumating sa Bulacan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa ika-125 Anibersaryo ng First Philippine Republic.

Binigyan ang Pangulo ng arrival honors sa Barasoain Church sa Malolos City kung saan ginaganap ang seremonya.

Bukod kay Marcos, present din sina AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, at iba pang opisyal.

Mababatid na naitatag ang unang Republika ng Pilipinas matapos ang pag-adopt sa Malolos Constitution noong 1899.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author