dzme1530.ph

PBBM, nanuod ng concert ng Coldplay sa Philippine Arena!

Nanuod si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng concert ng British Rock Band na Coldplay sa Philippine Arena.

Ibinahagi ng Facebook page na Philippine Concerts ang litrato ng Pangulo habang nanunuod ng concert kagabi.

Kinumpirma rin ng Malacañang na nanuod ng concert ang Pangulo.

Mababatid na kahapon ay nanggaling pa ang Pangulo sa inagurasyon ng isang expanded petrochemical plant sa Batangas City.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author