Inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maaaring nagkaroon lamang ng “lost in translation” sa nabatikos na pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay ng Overseas Filipino Workers sa Taiwan.
Sa ambush interview sa Bulacan, inihayag ng Pangulo na ang wikang inggles ay hindi first language ng Chinese envoy.
Kaugnay dito, kakausapin ng Pangulo ang Chinese Ambassador upang mabigyang linaw nito ang interpretasyon sa kung ano ang nais niyang sabihin.
Matatandaang pinayuhan ni Huang Xilian ang Pilipinas na tutulan ang independence ng Taiwan sa halip na bigyan ng access ang America sa military bases malapit sa Taiwan Strait, kung iniisip nito ang kapakanan ng nasa 150,000 OFWs sa Taiwan sa harap ng tensyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News