dzme1530.ph

PBBM, nangakong patuloy na palalakasin ang Army Special Forces

Nangako si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na patuloy niyang palalakasin ang Special Forces Regiment Airborne ng Philippine Army.

Sa ika-61 anibersaryo ng SFRA sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija, inihayag ng Pangulo na inadopt ng gobyerno ang Riverine Operations Equipment Project para mapaigting pa ang riverine operations o ang pagpapadala ng secial forces sa rescue at iba pang special military operations.

Ito ay bahagi pa rin ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Kasabay nito’y kinilala ni Marcos na tumatayong commander-in-chief ang katapangan at kagitingan ng Army Special Forces na napatunayan umano ang kanilang bangis sa panahon man ng digmaan o kapayapaan.

Kaugnay dito, hinimok silang patuloy na ipagtanggol ang mga Pilipino sa panahon ng krisis.

Tiniyak din ng Pangulo na pangangalagaan ng gobyerno ang kanilang kapakanan at kanilang mga pamilya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author