Nangako ng kaukulang tulong at suporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pamilya ng dalawang Pilipinong namatay sa Israel sa gitna ng pag-atake ng teroristang grupong Hamas.
Sa pakikipag-usap sa telepono sa mga asawa ng dalawang Pinoy, ipinarating ng Pangulo ang pakiki-dalamhati ng buong bansa.
Inamin din ni Marcos na ito ang pinakamahirap na phone call na kanyang ginawa mula nang siya ay maging pangulo.
Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na hindi titiklop ang diwa ng mga Pilipino sa kabila ng trahedya.
Patuloy din umanong titindig ang Pilipinas para sa kapayapaan.
Ang mga hindi pinangalanang biktima ay isang 33-anyos na babae na Tubong Pangasinan, at isang 42-anyos na lalaki na Tubong, Pampanga. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News