Nakiusap na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga residenteng ayaw pa ring lumikas sa harap ng pagputok ng Bulkang Kanlaon, na sumunod sa babala ng mga awtoridad.
Sa kanyang video message, ipina-alala ng Pangulo na mas mahalaga pa rin ang buhay kaysa sa ari-arian.
Mababatid na pwersahan nang pinalilikas ang mga nakatira sa 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan, ngunit mayroon pa ring ilang nagmamatigas.
Samantala, binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng komunikasyon kaugnay ng sitwasyon ng bulkan, at sinabi nito na ang katotohanan ang magliligtas ng buhay, taliwas sa fake news na maaari pang makamatay.
Ang epektibong disaster response umano ay nakadikit sa reliable o magpagkakatiwalaang impormasyon.
Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na nagpapatuloy ang oras-oras na paglalabas ng advisories ng PHIVOLCS sa paraang mauunawaan ng mga residente. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News