dzme1530.ph

PBBM, nakiki-dalamhati sa pagpanaw ni former DFA sec. Albert del Rosario

Nakiki-dalamhati si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpanaw ni former Dep’t of Foreign Affairs secretary Albert del Rosario.

Sa mensaheng inilabas ng Presidential Communications Office, sinabing nakikiisa si Marcos sa pagluluksa ng buong bansa sa pamamayapa ng isang kagalang-galang na diplomat at hinahangaang public servant.

Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng dating kalihim.

Idinagdag pa ng Pangulo na nakilala si del Rosario sa pagiging makabayan at sa kanyang integridad, at nagpapasalamat ito sa ginawa niyang pagtataguyod sa national interest.

Matatandaang kahapon Abril a-18 ay sumakabilang-buhay si del Rosario sa edad na 83.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author