Nakalikom si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mahigit $672-M na halaga ng investment pledges, sa pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit and Related Activities sa San Francisco, California USA.
Ayon sa Presidential Communications Office, kabilang dito ang $400-million investment commitments sa Telecommunications kasama ang deployment ng dalawang kauna-unahang Internet MicroGEO Satellites na dedicated lamang para sa Pilipinas.
$2-M naman ang para sa Artificial Intelligence for Weather Forecasting tungo sa pagpapalakas ng resilience laban sa Climate Change.
Natanggap din ang $20-million investment pledges sa pharmaceutical and healthcare, kabilang ang pagtatayo ng Specialty Oncology Hospital, at US-FDA approved medicine manufacturing facility.
$0.3-M naman ang nakuha sa renewable energy kaakibat ng joint study para sa planong pagkakaroon ng nuclear energy sa bansa, habang $250 million ang investment commitments sa semiconductor and electronics industry. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News