dzme1530.ph

PBBM, nakalikom ng $1.3-B investment pledges sa official trip sa USA

Nakalikom si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kabuuang $1.3-B na investment pledges sa apat na araw na official visit sa Washington D.C., USA.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang investments ay inaasahang lilikha ng nasa 6,700 na trabaho para sa mga Pilipino.

Ang investment pledges ay nagmula sa iba’t ibang US companies na nasa sektor ng manufacturing, information technology, renewable energy, healthcare, at research and development.

Kabilang dito ang Moderna Vaccine Manufacturer, healthcare service provider na OPTUM, BPO company na ATENTO, at Analog Devices Inc..

Matatandaang bukod sa pakikipagpulong kay US president Joe Biden at iba pang matataas na US officials, nakipagkita rin ang pangulo sa executives ng iba’t ibang major US companies sa Washington. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author