Nakakita ng pag-asa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagbibigay ng clemency kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, nagpabatid ng pag-asa si Marcos na mabibigyan ng clemency si Veloso sa takdang panahon, sa pag-usad ng kanyang kaso.
Mababatid na kinumpirma ng Presidential Communications Office na idudulog ng Pangulo ang isyu sa pagbibigay ng clemency kay Veloso, sa kanilang meeting sa Malakanyang ni Indonesian President Joko Widodo.
Gayunman, kapwa walang binanggit ang dalawang lider tungkol sa kaso ni Veloso sa opening at joint press statements kaugnay ng bilateral meeting kahapon.
Tiniyak naman ng DFA na gagawin ng gobyerno ang lahat ng paraan upang matulungan si Veloso at ang kanyang pamilya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News