Patuloy ang pagkalap ng investments ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng kanyang official visit sa America.
Maglalagak ang American healthcare services provider na OPTUM ng P800-M sa medical business process outsourcing sa Pilipinas, at inaasahang lilikha ito ng 1,500 trabaho.
Samantala, magtatatag na rin ang BPO company na Atento ng kauna-unahan nitong call center sa Pilipinas, sa Iloilo Business Park sa Iloilo.
Nasa P21.4-M ang kanilang magiging investment, at inaasahang kukuha ito ng 554 na trabahador sa unang taon sa bansa, at 665 workers sa susunod na taon.
Welcome rin sa Pangulo ang planong pag-eexpand ng Analog Devices, Inc., kung saan inanunsyo nito ang planong pag-iinvest ng $200-million para sa bagong research and development facility na magiging karagdagan sa kanilang LEED certified production facility sa Gateway Business Park sa Cavite.
Pinaplano naman ng Maxeon Solar Technology and Innovation Firm na mag-invest ng $900-M sa bansa na maaaring makalikha ng mahigit 3,000 trabaho. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News