dzme1530.ph

PBBM, nakabalik na ng bansa matapos dumalo sa royal wedding sa Brunei

Nakabalik na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos dumalo sa kasal ni Prince Abdul Mateen ng Brunei.

Ayon sa Presidential Communications Office, alas-7 kagabi nang dumating ang Pangulo sa bansa.

Mababatid na ang Pangulo at si First Lady Liza Araneta Marcos ay bumiyahe patungong Brunei noong Sabado upang paunlakan ang imbitasyon ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa nasabing royal wedding. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author