dzme1530.ph

PBBM, nagsagawa ng aerial inspection sa Mayon Volcano

Nagsagawa ng aerial inspection si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mayon Volcano sa Albay.

Ito ay sa harap ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkan na kasalukuyang nasa Alert level 3.

Sa mga litratong inilabas sa social media, makikita si Marcos habang sakay ng chopper, at gumagamit ito ng binoculars sa pag-iinspeksyon sa palibot ng Mayon.

Samantala, matapos ang aerial inspection ay bumisita rin ang Pangulo sa evacuation center sa Guinobatan Community College.

Matatandaang mula sa anim na kilometro ay inextend pa sa pitong kilometro ang danger zone ng bulkang Mayon dahilan para mas dumami ang mga inilikas na residente. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author