dzme1530.ph

PBBM, nagpasalamat sa lider ng Timor Leste sa pagbasura sa political asylum ni Cong. Teves

Nagpasalamat si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak matapos nitong tanggihan ang hiling na political asylum ni suspended Cong. Arnolfo “Arnie” Teves.

Sa bilateral meeting sa sidelines ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia, pinasalamatan ng pangulo si Ruak dahil sa mabilis na pag-aksyon sa nasabing political asylum application.

Sinabi ni Marcos na bunga ng desisyon ng Timor Leste ay mas magiging madali na para sa mga awtoridad na maiuwi sa bansa si Teves upang kaharapin nito ang mga alegasyon laban sa kanya.

Samantala, sa chance interview sa biyahe pabalik ng Pilipinas, ibinahagi ni Marcos na ang pag-uwi sa bansa ang itong pinaka-magandang payong maibibigay niya kay Teves.

Mababatid na si Teves ang itinuturong mastermind sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author