dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Pinoy para athletes na nagwagi sa 4th Asian Para Games sa China!

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Filipino para athletes na nakasungkit ng medalya sa 4th Asian Para Games sa China.

Sa post sa kanyang X account, inihayag ng Pangulo na gumawa ng ingay ang Pilipinas makaraan itong magtapos sa pang-9 na pwesto sa Para Games.

Sinabi ni Marcos na itinaas ng para athletes ang Pinoy pride.

Sa nagtapos na Asian Para Games, naka-kolekta ang bansa ng kabuuang 10 gold medals, 4 na silver, at 5 bronze medals. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author