dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa National Health Workers Day!

Nagbigay-pugay si Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa lahat ng health workers kasabay ng pakikiisa sa selebrasyon ng National Health Workers Day.

Sa social media post, pinuri ng Pangulo ang walang sawang paglilingkod ng health workers sa kabila ng pagsubok na dala ng COVID-19.

Labis silang ipinagmamalaki ni Marcos, at makaaasa umano Sila ng suporta Mula sa pamahalaan.

Samantala, sa bukod na Facebook post ay nagpasalamat din ang Presidential Communications Office sa walang kapagurang dedikasyon ng medical workers.

Ipinagdiriwang ang National Health Workers Day sa bansa tuwing ika-7 ng Mayo alinsunod sa Republic Act no. 10069. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author