dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati ng maligayang pasko para sa mga Pilipino

Nagpaabot ng pagbati ng maligayang pasko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga Pilipino.

Sa kanyang video message, inihayag ng Pangulo na tuwing sumasapit ang Pasko ay lubos na kasiyahan ang umiiral sa buong sambayanan, at ang puso ng bawat isa ay napupuno ng sigla at pag-asa.

Sinabi ni Marcos na sa panahong ito ay ramdam na ramdam ang lahat ng mga biyaya at mga ibinunga ng pagsisikap sa buong taon, kaya’t hinimok nito ang lahat na palaging magpasalamat sa panginoon.

Hinikayat din nito ang publiko na isabuhay ang tunay na diwa ng pasko sa pamamagitan ng pag-unawa, pagkalinga, at pagtulong sa kapwa, tungo sa mas maunlad na bagong Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author