Inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order no. 53 na nag-uutos sa pag-reactivate at pag-reconstitute sa Task Force El Niño.
Sa ilalim ng EO, binibigyan ng kapangyarihan ang task force na i-update ang Strategic El Niño National Action Plan, at tututukan din nito ang mga solusyon at programa sa limang tinukoy na critical areas tulad ng water security, food security, energy security, health, at safety.
Makikipagtulungan din ito sa lahat ng kaukulang ahensya para mapabilis ang pag-kumpleto sa water infrastructure projects bago sumapit ang Abril 2024, habang sa tulong ng Presidential Communications Office ay isasagawa rin ang malawakang information campaign kaugnay ng El Niño phenomenon.
Pinagsu-sumite rin ito ng report sa pangulo kada buwan.
Magsisilbing Chairperson ng Task Force ang Defense Sec., kalihim ng Dep’t of Science and Technology bilang co-Chairperson, at mga kalihim ng DENR, D.A, DOH, at NEDA bilang mga miyembro. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News