dzme1530.ph

PBBM, nag-alay ng bulaklak sa Monumento ng National Heroes at Martyrs sa Vietnam

Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Monumento ng National Heroes at Martyrs sa Vietnam.

Ito ay sa ikalawang araw ng kanyang state visit sa nasabing Southeast Asian Country.

Sa mga litratong ibinahagi ng Presidential Communications Office, makikita si Marcos na pinangunahan ang wreath-laying ceremony.

Kasama niya sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, at iba pang miyembro ng Philippine delegation.

Mababatid na naging tradisyon na ng Pangulo ang pag-bisita sa pambansang himlayan ng mga bayani sa mga pinupuntuhan nitong bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author