dzme1530.ph

PBBM, magpapatupad ng reorganization sa gabinete sa pagtatapos ng 1-year election appointment ban

Kinumpirma ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng “reorganization” sa kanyang gabinete.

Ito ay sa pagtatapos ng isang taong appointment ban para sa mga natalong kandidato noong 2022 elections.

Sa interview pagkarating ng Indonesia para sa 42nd ASEAN Summit, inihayag ng Pangulo na isang taon matapos siyang mahalal na Pangulo ay masasabi niyang tapos na ang “OJT” ng mga tao.

Sinabi ni Marcos na nakita na nila kung sino ang mga nagpakita ng husay sa tungkulin, at kung sino ang mga mahahalagang indibidwal sa kanyang administrasyon.

Kaugnay dito, ipinalutang ni Marcos ang nakaambang reorganization sa gabinete.

Matatandaang ilan sa mga posisyon sa gabinete na nananatiling bakante ay ang pagiging kalihim ng Dep’t of Health at Dep’t of National Defense.

Bukod dito, ang Pangulo pa rin ang nagsisilbing kalihim ng Dep’t of Agriculture. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author