Kinumpirma ng Malakanyang na maayos ang kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ito ay sa ikatlong araw ng kanyang isolation matapos itong mag-positibo sa COVID-19 noong Lunes.
Sa mensaheng ipinadala sa Malakanyang reporters, ibinahagi ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil na may nakatakdang teleconference ang Pangulo ngayong hapon.
Mababatid na habang naka-isolate ay nagawa pang pirmahan ng Pangulo ang dalawang batas kabilang ang Public-Private Partnership Code of the Philippines at Internet Transactions Act of 2023.
Una nang tiniyak ng palasyo na nananatiling “fit” o nasa kondisyon ang pangulo para gampanan ang kanyang tungkulin. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News