Lalagda si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa bagong executive order na maglilinaw sa kung ano talaga ang functions na dapat ay nasa mga lokal na pamahalaan, at ano ang dapat nasa national gov’t.
Sa talumpati sa harap ng mga gobernador sa 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines sa Clark Pampanga, inihayag ng Pangulo na hindi malinawag ang inilabas na Executive Order no. 138 ng nagdaang Administrasyong Duterte, kaugnay ng full devolution o paglilipat ng ilang functions ng national gov’t sa mga LGU.
Kaugnay dito, magiging service-based umano ang pagpili sa functions, at tinukoy nito ang ilang programang kailangang pagtulungan ng national at local gov’t tulad ng edukasyon at kalusugan.
Dito umano papasok ang Mandanas-Garcia ruling na magbibigay ng shares sa internal revenue allotment ng mga LGU mula sa lahat ng national taxes.
Iginiit pa ng Pangulo na hindi lamang dapat utos ng utos ang national gov’t dahil kailangan ding pakinggan ang mga suliranin ng mga gobernador at lahat ng local chief executives. –ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News