Kasalukuyan nang dumadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kauna-unahang Association of Southeast Asian Nations – Gulf Cooperation Council Summit sa Saudi Arabia.
Kasama ang Pangulo, nagtipon-tipon ang mga lider ng ASEAN at GCC Countries sa Ritz Carlton Hotel sa Riyadh, at sinalubong sila ni Asean-GCC Summit Chairman at Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman.
Tatalakayin sa Summit ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang rehiyon sa food and energy security, logistics and supply chains, digital transformation, at malayang paghahatid ng mga produkto.
Inaasahang isusulong din ng Pangulo ang proteksyon ng karapatan ng nasa 2.2 million Overseas Filipino Workers sa GCC countries, kabilang na sa Saudi Arabia. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News