Ipinangako ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga taga-Cordillera na patuloy na i-dedevelop ng administrasyon ang mga lupang sakahan sa bansa.
Sa talumpati sa selebrasyon ng ika-36 na Cordillera Day sa Apayao, inihayag ng Pangulo na kailangang mag-invest para sa pagpapalakas ng produksyon at modernisasyon ng agricultural sector.
Sa pamamagitan umano ng pagtatayo ng imprastraktura at market linkages, lalakas hindi lamang ang ani ng mga magsasaka kundi pati na ang mga malilikhang oportunidad na makabubuti sa bansa.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na bilang Pangulo at concurrent Agriculture Sec. ay walang-tigil niyang isusulong at uunahin ang development ng agricultural lands.
Nagsilbing taga-basa ng talumpati ng Pangulo si Presidential Assistant for Northern Luzon Assistant Secretary Ana Carmela Remigio, matapos nitong kanselahin ang pag-bisita sa Apayao bunga ng masamang panahon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News